Shane

Kailangan kita, dito sa piling ko.

Neil

at

Répondez s'il vous plaît (RSVP)

Kasama ang aming mga pamilya, ikinagagalak po namin kayong inaanyayahan na makibahagi sa pagdiriwang ng aming pag-iisang dibdib. Sama-sama nating salubungin ang Diyos ng Pag-ibig sa sakramento ng kasal. Malugod naming hinihiling ang iyong pagdalo!

Mayroon po kaming nilaan na isang upuan para sa inyo. Kung maaari ay magbigay kayo ng kumpirmasyon sa ika-11 ng Mayo, alas-12 ng hapon, sa pagdalo sa aming kasal.

Maraming Salamat!

"Tugon sa Paanyaya"

Nalalabing Oras sa Pag-tugon

Lugar at Oras ng Kasalan

Santuario de San Juan Evangelista,
Dagupan City, Pangasinan
Lugar ng Seremonya

Ika-28 ng Hunyo, 2025 (Sabado)

Ala-una y Media ng Hapon

Pangasinan Regency Hotel,
Calasiao, Pangasinan
Lugar ng Salu-salo

Programa at Ang Hanay Pangkasal

Mga detalye sa susunod na mga buwan at araw.

Tema ng Kulay

Mga kulay na gagamitin sa kasuotan, at mga dekorasyon sa kasal.

Asul

#093e62

Banayad na Asul

#A4C2E2

Mapusyaw na Peach

#F1C4BE

#BCA887

Beige

Kasuotan

Mga kasuotang tradisyonal katulad ng barong tagalog, filipiniana at belo na naaayon sa tema ng kulay.
Kung ang pagsuot ng mga tradisyonal na kasuotan ay alanganin sa iyong sitwasyon, maaring magsuot lamang ng ibang pormal na kasuotan na naayon sa tema na kulay.

FAQ

Ano dapat ang isuot?

Pormal: Filipiniana at Belo, Barong Tagalog
*Kung ang pagsuot ng mga tradisyonal na kasuotan ay alanganin sa iyong sitwasyon, maaring magsuot na lamang ng ibang pormal na kasuotan na naayon sa tema.

Pwede ba akong umupo kahit saan sa reception?
May nakalaang upuan po kami para sa bawat isa sa inyo, at inorganisa ito para sa mas magandang karanasan ng bawat grupo. Huwag po kayong mag-alala, tutulungan kayo ng aming coordinator na mahanap ang inyong upuan.
Maaari ba akong magdala ng ibang panauhin?

Kung ang iyong imbitasyon ay nagsasabing "at may kasama", oo, ngunit kung hindi, mas nais po naming ipagdiwang ang okasyon kasama lamang kayo dahil sa limitasyon sa lugar.

Pwede ba isama ang aming anak/asawa?
Maliban na lamang kung nakalista ang inyong anak/asawa sa inyong imbitasyon, maaari silang isama.
Parking ng Sasakyan

Kung kayo po ay may dalang sasakyan, maaari kayong mag park sa katedral ng San Juan de Evangelista, Dagupan City. Mayroon pong pay parking doon.

Hanggang kailan ang pagtugon sa RSVP?

Kung maaari po ay magbigay kayo ng kumpirmasyon sa ika-11 ng Mayo, alas-12 ng hapon. Kung hindi kayo makapagbigay ng tugon, ituturing po namin na hindi na kayo makakadalo sa aming kasal. Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

kahilingan ng ikakasal

Nais po namin na sana ay makarating kayo sa tamang oras at maging saksi sa buong seremonya ng kasal. Ang inyong presensya ay magiging malaking karangalan para sa amin.
Higit sa lahat, buong kababaang-loob po naming hinihiling ang inyong mga panalangin.
Mangyari po lamang na limitahan ang paggamit ng mga gadget o cellphone sa oras ng misa at tiyaking naka-silent mode ang mga ito upang hindi makagambala sa pagdiriwang.
Nawa'y samahan po ninyo kami at makisaya sa munting salu-salo hanggang sa matapos ang programa. Ang inyong oras at pagsuporta ay labis naming ikalulugod.

ALAM MO BA?

Ang komunidad ng Singles For Christ ang naging daan upang magkrus ang landas nina Neil at Shane. Kaya mag SFC ka na rin!

Sa Baguio City unang naglakbay ang dalawa kung saan iminungkahi ni Neil ang kanyang proposal na sila'y maging mag nobyo at nobya.

Si Neil ay kilala bilang isang napakagaling na mananayaw. Habang si Shane naman ay talentado sa pagkanta ng matataas na awitin.

Marahil ay hindi pa!

Proposal sa Kasal

Inanyayahan ni Neil ang kanilang mga kaibigan para sa isang sorpresang wedding proposal sa San Fabian Hobbit Farmville noong Disyembre 19, 2024.

Prenuptial

Burnham Park, at Session Road, Baguio | Calle Crisologo, at Villa Angela Heritage House, Vigan.

Suppliers

Em Captures

Proposal Videographers

Photo by Gunita

Prenuptial Photographer

Omid Story Films

Prenuptial Videographers